This day would be the greatest turning point in my life. Magpapakilala po muna ako. Ako si Tonny (hindi totoong pangalan) Ako po ay 20 yrs old. Ako ay umuuwi sa Pasig pero ako po talaga ay taga probinsya na napadpad dito sa Maynila. Ako po ay 'sana' sasampa ng BARKO, in other words SEAMAN po ako (actually di pa ganap na seaman kasi 1stime ko pang sasampa sana) Lahat naman ng magtatrabaho sa ibang bansa ay kailangan mag undergo ng MEDICAL EXAM. Yun nga, kailangan na akong mag MEDICAL kase tinawagan ako ng COMPANY ko (somewhere in Pedro Gil). Noong April 15, 2014 ive went to a clininc referred by my Company. Yung ECG, DENTAL, XRAY, AUDIOLOGY, PHYSICAL EXAMS, ULTRASOUND, URINE etc (alam naman natin na kapagka medical ng seaman ay talagang strikto sila nito) na kailangan ko pagdaan ay naging CLEARED naman. Yung sa dugo lang daw may sabit kaya the next day (April 16) pinabalik ako sa clinic ulit para kunan ULIT ng blood sample at i ixamine daw ulit. Time runs fast. Sabi ng head ng Laboratory, ill go to an interview with DRA. ______ about it. May mga itatanong lang daw siya tungkol sa naging resulta ng blood exams. Yun ay HIV screening na pala. Sabi niya i have to undergo CONFIRMATORY TEST to determine talaga kung ano status ko. Finorward nila blood sample ko sa SAN LAZARO HOSPITAL. I dont know where to go nung hapong yon after sa interview. At first di pa nag sisink in na ill have to experience an HIV confirmatory test. I talked to my mom then eventually tears falling from my eyes for no reason but i guess siguro na miss ko lang siya na yung feeling na confirmatory palang naman at di pa totally resulted into positive. Nabigla lang siguro ako nung time nayun. Di ko sinabi sa kanya na HIV CONFIRMATORY na pala yun. Tumulo ng tumulo luha mo in the midst of the street without knowing na andaming tao na nag lalakad and nakikita ka. Yung feeling na narining ko boses niya then my tears falling and falling. I feel so helpless that time. Walang karamay, walang kasama walang wala. Sumasakay akong jeep andami kong inisip, tumutulo luha sa even sa FX din. Yung feeling na PANO NA? PANO NA KAYA? PANO KUNG? ANONG GAGAWIN KO? na mga tanong. That day ends peacefuly but inside of me yung kaba at takot. MaghoHOLY WEEK nung time na yun. Nawala peace of mind ko na sana kailangan sa paninilay nilay sa semana santa. Ive waited more than a month to have the result released. Days and weeks had passed by and the time just came. May 19, 2014. Umaga ng araw nayun, tumawag ako sa clinic somewhere in Pedro Gil, Ermita, dumating na daw ang Confirmatory Result galing sa San Lazaro Hospital after more than a month of waiting. Ive went there with full of hopes na maging yun nga negative 'sana'. Ive reach the clinic and approach the duty nurse. Kakausapin yung Head ng Laboratory sa Medtech Dept. ill name her as Jelen. pumunta kami sa isang private room together and with Dra_____. Here comes the final verdict, i opened the envelope. And then i saw REACTIVE- HIV POSITIVE. OMY! Di ako umiyak, di ako kinabahan, 'wala pa' akong takot that time i saw the result. Sabi ng DRA____ check mo baka iba daw yung pangalan, baka hindi daw sakin yan. But i saw its mine. I leave the clinic that afternoon na parang normal lang. Yung walang bahid ng pangamba, bahid na kaba. wala, as in wala. I headed to my place in Pasig. Nakapag Chowking pa nga ako nung time na yun e. inisip ko mag refresh muna siguro ako. Night has just started. Chinat ko ate ko nasa ABU DHABI. Chat kami sa skype. Nung narining ko palang boses niya. I started crying for no reason. Yung bigla bigla ulit tumulo luha mo. SHOCKS! i explain to her about what happend that day. Like what i told to my mom. Sabi ko lang sa kanya na UNDER MEDICATION ako for some reasons na my nakita daw mga antibodies sa dugo ko. Yun lang sinabi ko. Di ko pa sinabi sa kanya na HIVpositive ako. TEARS is falling so fast. I just keep on crying and crying and crying the whole conversation. Actually that night was a nightmare. Dun palang nag sink in lahat. Yung tipong WALA NA. HINDING HINDI NA AKO MAKAKASAMPA PA NG BARKO SA BUONG BUHAY KO. YUNG MGA CERTIFICATES AND TRAININGS KO WALA NG SILBI, YUNG PAGHIHIRAP KO PILA DITO PILA DOON PARA SA MGA REQUIREMENTS NG COMPANYA NAWALA NA. Naisip ko din yung salitang SAYANG. pero andito na to eh. Inisip ko din pano ko sasabihin sa kina MAMA at PAPA? ky ATE, ky KUYA, sa mga dito sa bahay sa mga kaibigan ko? ky TITO na tumulong sakin makapasok dun sa kompanya niya? PAPAANO NA? hahay! naisip ko bigla na sana lahat ng ito ang pawang panaginip lang na paggising mo, wala na. NAWALA NG PARANG BULA. Di ko na tinanong si Lord kung bakit ako pa. Ako din naman my kasalanan nito after all e, walang masisisi dito kundi ako lang. Tinry ko ang isang bagay na di ko alam pagsisisihan ko sa buong buhay ko. Panalangin ko nalang sa panginoon ay MAHABANG BUHAY saakin at sa aking PAMILYA. Sila din naman ang rason kung bakit ako nandito sa sitwasyong to na gusto ko mag barko para sa kanila. Siguro nga hindi talaga para sa akin ang pagbabarko, siguro nga di para sa akin ang pagtatrabaho sa barko. Na tulungan ako ng Panginoon na mag umpisa ulit. Na ituro sa akin kung saan ang paano mag-umpisa ulit. Mahirap talaga mag umpisa pero pag naumpisahan na, dirediretso nayan. Ang tangi ko nalang iniisip ngayon ay my rason lahat ng ito GOD HAS BETTER PLANS FOR ME. GOD HAS BETTER PLANS FOR ME THAN I HAVE FOR MYSELF. GOD KNOWS WHERE AND WHEN TO GIVE WHAT YOURE ASKING FOR. GOD KNOWS EVERYTHING. GOD GIVE HIS GREATEST PROBLEMS AND TRIALS TO HIS TOUGHEST SOULDIERS. GOD IS WORKING IN MY LIFE. WHEN EVERYTHING SEEMS LIKE ITS FALLING APART, THATS WHEN GOD PUTTING THINGS JUST THE WAY HE WANTS IT. Nandun yung salitang SAYANG e, pero eventually yang salitang yan will push you, will motivate to strive hard to start dreaming again. Dont stop dreaming for God will help you to achive that. TRUST AND BELIEVE IN HIM. Kaya sa mga kagaya ko na napagsakluban ng mundo, my ibang plano si God para sa atin ay my RASON kung bakit ito nangyari sa buhay natin. PRAY LANG AT MAKAKAYA DIN NATIN ITO. TANDAAN MO. HINDING HINDI MAGBIBIGAY ANG PANGINOON NG PROBLEMA NA HINDI NATIN KAYA! KAYA PRAY FOR IT. AND REMEMBER THAT GOD ANSWERS PRAYERS. THAT GOD WILL NERVER LEAVE YOU. ITS ALL FOR NOW. LET THIS BATTLE BEGUN. LET MY JOURNEY STARTS NOW! LET VOLT IN! HEHEHEHE :) GOODAY
BY: TONNY VERCETTI
MAY 20, 2014 1:14PM
Mabuti naman at puno ng pag asa ang puso mo. Hindi naman talaga ito katapusan ng ating mga pangarap kundi simula ng ibang yugto ng ating buhay sa ibang pananaw.
TumugonBurahin